Sa tingin ko, ang pulitika sa panahon ngayon ay naging takbuhan na ng mga taong walang pinag-aralan at mga taong tamad magtrabaho. Basta’t may pera ka lang na pwede mong ipamigay sa taong bayan pagdating ng eleksiyon ay pwede mo nang makuha ang impluwensiya at kapangyarihan na di mo kayang makuha sa malinis na paraan. Maraming mga pulitiko ngayon na wala namang ginagawa habang nasa puwesto pero patuloy pa ring tinitingalaan ng mga tao dahil sa pera at impluwensiyang nakamit dahil sa posisyon. Kahit ang mga taong di nakapagkolehiyo ay nagkakaroon na ng lakas ng loob na tumakbo para sa isang posisyon at nagkakaroon ng lakas ng loob na patakbuhin ang isang nayon dahil lamang sa pera. Sa mga taong dati ay tambay lang at walang mahanap na trabaho pero ngayon ay government official na. Dahil walang mahanap na trabaho, talagang ang pagiging pulitiko nalang ang pinuntahan kasi madali namang makapasok basta’t may perang galing sa pamilya na handang ipamigay sa tao pagdating ng eleksiyon. Ganito ang tingin ko sa mga pulitiko ngayon – na ginamit ang impluwensiya at pangalan ng pamilya upang makapasok sa pulitika, na magbibigay sa kanila ng kapangyarihan kahit di nmn sila deserving sa kapangyarihang yun. Andaming TAMAD at MANGMANG na pulitiko pero nakakapasok pa rin sila sa pulitika dahil na rin satin na pera lamang ang katapat.
Francisco Nemenzo, Ph.D. Rm. 104 Vidal Tan Hall, UP Diliman Social Science 2 (2nd Semester A.Y. 10-11)
Thursday, November 11, 2010
Tamad Man si Juan, May Mapupuntahan Din
Sa tingin ko mas mabuti kung ang mga leaders natin ngayon ay naka.ayon sa ideya ng ‘Philosopher King’ na dapat ito ay hindi magkakaroon ng isang komportableng buhay dahil ang layunin lamang nito ay itaguyod at patakbuhin ang lugar. Kasi kung wala itong komportableng buhay o kahit anumang ari.arian ay walang mang.aasam nito kundi ang mga tao lamang na nasa puso ang panunungkulan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
sang-ayon ako sa mga nasabi ni evan. ako'y napapalibutan ng mga kaibigan na may kaugnayan sa pulutika. Si X ay anak ng isang city councilor sa malayong probinsya at naging sangguniang kabataan din. Si Y ay anak ng kagawad ng Pasig. Si Z ay ang pinakabatang councilor ng Pilipinas. Lahat sila ay nang galing sa mga komportableng buhay na aking kinaiingitan. Pero bakit pa nila kinailangan magaging bahagi ng pulitika. Pakitang tao lamang sila. Gustong gusto nila ang kapangyarihan. Pero kapag kasama ko sila, hindi ko kasama ang isang pulitiko o anak ng pulitiko. Kasama ko sila bilang kaibigan. Sa tuwing sila ay tatakbo sa election, isa lang ang pwedeng maging dahilan kung bakit sila ay binoboto ng taong bayan, dahil sila ay SIKAT. Kung ang "Philosopher King" ay nagiging "Philosopher King" lamang dahil sakanyang kasikatan, eh marahil, pati si Charice Pemepengco ay pwede narin tumakbo bilang congresswoman katulag ni Manny Paquiao.
ReplyDeleteMeron pa ba kaya tayong makabagong Philosopher King ngayon? o bihira nalang tayo makakita ng isang pamilyang hindi sangayon sa "wang-wang"?
Sa panahon ngayon, sobrang totoo na walang na halos politiko na may kakayahan sa posisyong hawak nla. Sino ba nagpasimula na isang artista na nlalaos at matanda na ay pupunta na lang sa pulitika? Ang isa ding mas nakakainis ay binoboto pa sila ng tao. Katulad na lang nitong huli, sa senador si Bong Revilla nanguna sa mga boto pro ni isang magandang ginawa sa senado wala aqng narinig na ginawa niya. Nakapagtataka lang na bakit kahit alam na ng tao eh siya pa din binoto nila.
ReplyDeleteSa ngayon mahirap na makahanap ng isang philosopher king. Masyado na naging "career oriented" ang mga tao. Wala na ung tinatawag natin na "para sa bayan" puro "para sa sarili na lamang".