Noong nakaraan lang ay muntik na kong makasuhan dahil sa pagbabayad ng pekeng pera, na hindi ko naman alam na peke. Nakakatakot isipin na kahit ang mga taong inosente ay napapahamak dahil sa maling kagagawan ng ibang tao. Marahil ay dapat tayong magingat lahat at maging mapagmatiyag. Pero mahirap din mamuhay sa lipunan na puno ng pangamba. Nakakatakot na paghirapan ang mga kasalanan na hindi mo naman talaga ginawa.
Marahil ay mayroon ding mga taong nabiktima dahil dito, at marahil ang iba sa kanila ay nakasuhan na, sa krimeng hindi naman talaga nila sinasadyang gawin.
Marami rin ang naging biktima ng mga panloloko at ibang krimen tulad ng pagnanakaw, snatcin, holdap at iba pa. Totoo nga siguro na walang ngipin ang ating mga batas kaya talamak pa rin ang mga krimen na gaya nito. Talamak dahil hindi natatakot ang mga kriminal na gawin ito.
Hindi na dapat maghintay na maloko rin tayo ng mga kriminal na ito. Tunay nga hindi tayo dapat maging apathetic sa mga isyu ng lipunan. Kasali tayo sa lipunang ito, at responsibilidad din natin ang tahimik na pamumuhay dito.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.