Hindi ko naman sinisisi ang gobyerno. Alam naman nating lahat na maraming mga krisis ang ating pinagdadaanan sa kasalukuyan, at maraming intindihin ang gobyerno. Hindi tayo nag-iisa, kahit ang mga mauunlad na mga bansa ay nagkakaroon din ng suliranin kung minsan. Nagkakaiba nga lang sa paglutas ng mga ito.
Sa Pilipinas, suwerte na ang ibang pamilya kung sila ay makakakain tatlong beses isang araw. Pinoproblema ang pambaon ng mga anak, pambili ng pagkain, at kung saan kukuhanin ang perang gagamitin. Maraming pang ibang suliranin ang kinakaharap ng ating mamamayan. Marami, na hindi na natin magawang isipin ang pangkalahatang problema ng lipunan. Hindi nabibigyan ng malaking pagpapahalaga ang mga problema o isyu ng karamihan, dahil sa personal na isyu pa lang, ang iba ay problemadong problemado na. Mabibigyan lamang ng pagpapahalaga ang isyung panglipunan kung ito ay makakaapekto sa mga tao ng direkta. (hal. pagtaas na presyo na mga bilihin)
Marahil isa ito sa mga dahilan kung bakit ang ilang suliranin ay hindi natin masolusyunan. Hindi kasi nagkakaisa ang mga mamayan. Tulad ng nabanggit ng ilan, hindi lamang sa eleksyon natatapos ang responsibilidad at obligasyon ng mga mamamayan. Sa huli, hindi nating maisisisi lubos sa isang tao o institusyon ang kasalanan. Lahat tayo ay may parte sa kasalanang ito
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.