Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauudyok ang mga taong gumawa ng krimen ay ang kahirapan. Maari ding ganid ang nagtutulak sa kanila para gawin itong mga ganitong bagay, na nagpapatunay sa konsepto ni Hobbes ng Nature of Man. Ang mga kriminal na ito ay hindi natatakot sa gobyerno o naniniwala na sila ay makakalusot sa sandaling mahuli sila. Sabihin natin na hindi tayo sumusunod o hindi natin ginagamit ang teorya ni Hobbes, ngunit paano na lang ang Social Contract na sinasabi niya? Leviathan? Kung sa ganitong paraan natin titignan, ang gobyerno ba ang may pagkukulang dahil hindi nila maisakatuparan ang mga batas na nakatakda at hindi nila napipigilan ang mga taong ito na gumawa ng krimen?
Ang konsepto naman kaya ni Rousseau ay magiging epektibo sa ating bansa? Totoo kayang masaya ang tao sa State of Nature? Kung sa lipunan na may namumuno ay mayroon nang mga masasamang loob, paano pa kaya kung walang gobyerno na 'nagpapanatili' ng kapayapaan? Gobyerno? Meron kaya sa Pilipinas nito? Oo, ngunit parang wala ding nangyayare, hindi ko pa rin maramdaman ang lubusan nilang pagkilos. Para sa akin, nasa pagitan tayo ng lipunang may Social Contract at State of Nature. Sa kabila nito, nananatili pa rin ang mga taong may masamang layunin, at sa tingin ko, sa parehong lipunan (Social Contract o State of Nature) ay malaya silang makakapamuhay.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.