Monday, November 29, 2010

Now Showing

Sa isa kong klase natutunan na may iba’t ibang antas ang ating lipunan maliban sa alam nating mayaman at mahirap at maging ang lower, middle at upper classes. Nahahati ang antas ng ating lipunan sa limang kategorya na sumasakop sa iba’t ibang bahagdan ng ating populasyon. Una ang mga magsasaka na may pitumpu’t limang posyento sa kabuuang populasyon ng bansa, pangalawa ang mga manggagawa na may labinlimang porsyento, pangatlo ang mga peti-burgesya na sumasakop ng walong porsyento kung saan bahagi tayo, pang-apat ang mga pambansang burgesya na may isang porsyento; sila ang mga maliliit na negosyante at panghuli ay ang mga panginoong may lupa at malaking burgesyang kumprador o ang mga may-ari ng mga malalaking kumpanya at pangunahing nagpapatupad ng mga di-makataong regulasyon ng pagtatrabaho, na sumasakop lamang ng isang porsyento sa kabuuang populasyon ng Pilipinas.

Tatsulok ang porma ng ating lipunan kung saan nasa ibaba ang mga magsasaka at nasa tuktok ng tatsulok ang nalalabing isang porsyento. Marahil pamilyar kayo sa kantang Tatsulok na pinasikat ng bandang Bamboo na mula sa 1980’s na kanta kaya’t mas magiging madali na maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang mga salita na bumuo sa kanta tulad na lamang ng “habang may Tasulok lahat sila ay nasa tuktok, hindi matatapos itong gulo”. Ibig sabihin lamang nito na hangga’t naghahari ang mga taong ito sa ating lipunan hindi natin mararanasan ang tunay na pagbabago tulad ng pag-unlad ng mga magsasaka at pagkakaroon ng reporma sa lupa at iba pang yamang likas ng bansa. Sa pagpasok ni Machiavelli sa kaisipan ko kaya’t bigla ko muling inungkat ang aking natutunan. Totoong may mga taong wala sa posisyon ng pamahalaan ngunit umaakto bilang isa sa mga nagpapatakbo ng bansa. Sila ang mga pambansang burgesyang kumprador at panginoong may lupa na may hawak at kontrol sa kung paano patatakbuhin ang demokratiko kunong bansa. Mula sa paggawa ng batas hanggang sa pagkakaroon ng eleksyon at pagluluklok sa mga pinuno ng bansa ay nariyan sila nakabantay at nakaantabay sa kung paano matatapos ang kalokohang programa. Sila ang master puppeteer ng intabladong ating ginagalawan.

Ang isang porsyentong ito ang direktor sa kung paano gagalaw at aarte ang mga aktor-pulitiko sa harapan ng madlang pipol. Hindi maaaring manalo ang isang kandidato kung walang suporta ng mga panginoong may lupa sapagkat sa isang Hacienda pa lamang ilang boto na ang maaani kung makukuha ang kamay ng pag-endorso ng sinumang Haciendero. May mga pagkakataong ang mga panginoong may lupa at malaking burgesyang kumprador na mismo ang mga kumakandidato upang tuluyan na nilang makontrol ang mahawakan sa leeg ang mga probinsiyang kanilang sinasakupan at ang malala pa’y ang buong bansa. Hindi totoong ang Pangulo ang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan, ito ay isang ilusyon na nakatatak sa ating mga isipan. Bahagi lamang ang pangulo sa bilog na samahan ng mga naghaharing indibidual sa ating lipunan.

Pinaglalaruan lamang ang mga ordinaryong Pilipino sa panahon ng eleksyon dahilan na rin sa kailangan ito upang tuparin ang batas na tanging ang mga nasa tuktok ng tatsulok ang may gawa. Ang batas siguro ang ebidensiya na demokratiko ang bansang ito ngunit sa totoo ay isa itong palabas na hindi natin alam kung kalian matatapos kung hindi natin puputulin ang rolyo ng kasinungalingan na dumadaloy sa ating lipunan.

Hans Kevin R. Madanguit

4 comments:

  1. May mga alipin lamang kung mayroong nagpapaalipin...

    ReplyDelete
  2. I bet your class is Socio10. I had Socio10 last sem. I agree that we are fooled by the government, but as Nicoli said, may mga alipin lamang kung mayroong nagpapaalipin, or maybe we should put it this way, may mga alipin lamang kung mayroon magtatrato sa kanila na alipin. Itong mga alipin na ito ay hindi makapangyarihan, kung minsan pa nga ay ang lupang kanilang inaani ay hindi pa sa kanila. Lahat ng tao sa lipunan ay may kanya kanyang parte o responsibilidad. At ang tatsulok na sinasabi mo ay marahil naguugat sa "mode of production" ng ating mundo na kapitalismo. Ito marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit mayroong mga upper classes. Ang mga proletariat naman o ang mga lower class ang dahilan kung bakit sila patuloy na yumayaman. :)

    ReplyDelete
  3. i also agree about: "May mga alipin lamang kung mayroong nagpapaalipin..." although let us not limit our thinking with that only of those people who couldn't really afford anything. i think that even some of what we know Elites are still slaves of those who are higher to them. they are choosing to be in that condition for them to protect their current

    ReplyDelete

Note: Only a member of this blog may post a comment.